gaya gaya lang!

Nag poposisyong aso kayo. Sarap na sarap ka. Sarap na sarap sya. Nakatapos ka. Nakatapos sya. Tapos pag higa mo eh biglang umutot ng sobrang lakas ang pekpek mo!!!

Spell Awkward??!

*ang alaalang ito ay nabuo matapos mabasa ang post ni Jepoy about awkward moments*

bumalik na pangarap!

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang kwento ko...as usual! Mas mabuti pa ang mag kwento ng pag gawa ng bata at alam ko kung saan ko sisimulan.

Nong panahon na wala pang nakakapasok na parte ng katawan ng ibang tao sa pekpek ko eh marami akong mga nabuong mga kakaibang plano sa buhay ko at mga gusto kong gawin sa mga pang hinaharap. Isa na dito ang....

Gusto kong mag travel sa buong Pilipinas na sakay lang sa enduro na motor. May dalang tent at kung saan lang abutin ng gabi eh don magtatayo ng tent. Puntahan ang mga magagandang lugar ng bawat bayan at akyatin ang mga bundok na dapat akyatin.

So since na hindi naman ako natutong mag bisikleta eh imposible ang plano kong gawin kasi hindi din ako matututong mag motor!! Naiba ang pangarap ko mula non. Maghahanap ako ng lalaking gagawing fafalet na may motor at willing sumama sa kaululan ko. Back rider na lang ang drama ko. So kailangan adventurer din ang utak gaya ko.

Fast forward ng konti.

Nong nagsisimula akong sumama sa isang mountaineer group non sa aming probinsya eh may naririnig akong isang pangalan na matibay sa akyatan. Presidente sya nong grupo na yun pero hindi ko sya nameet ng personal kasi di sya masyadong active nong time na yun kasi nga nakapag asawa na sya. Nakikita ko sya pero never kaming nagkaroon ng time na magkakilala. Nacrushan ko na sya non pa lang kahit na hindi naman sya nagtataglay ng magandang itsura. Makikita mo kasi sa kanya kung gaano nya kamahal ang Inang Kalikasan.

After 13 years nakita ko sya sa FB!! At nagkaroon ng pagkakataon na iadd...yibaaaa!! At isa pang At...At hiwalay na sya sa asawa nya! Bwahahahahaha

At ang maganda nito...nakakapag usap kami sa chat!!!!

Laki na ng pinagbago nya sa pisikal na anyo pero hindi sa pagmamahal sa Inang Kalikasan.

Sya pa din ang presidente ng mountaineer group na yun. Head teacher na din sya ng isang pampublikong eskwelahan. Marami na ding mga project ang ginawa nya na tumutulong sa mga pangangailangan ng mga batang mangyan. At higit sa lahat hilig nya din ngayon ang maglayas.....ng naka motor lang!!

Sya na kaya ang magiging sagot sa aking pinapangarap na adventure of a life time ko??? Hindi ko sya nilalandi sa chat pwamis....konti lang!!!


magic sarap

Ang kwentong ito ay hatid sa inyo ng Mr. Clean...ang sabon ng mga kalbong macho! *parang burat lang..machong kalbo*


Kung ano yung ikinasalimuot ng buhay puso ko kay Fafarazzi ay sya namang sobrang tahimik ng puso ko kay GV. Kasing gulo ng bulbol ko ang puso ko. Eto ang tsismis...

Nong nakilala ko si GV eh yun yung time na sobrang madugo pa ang pekpek puso ko dahil sa pag hihiwalay namin ni Fafarazzi. Hindi naman dahil sa tigang ako nong mga panahon na yun kaya naging kami. Naramdaman ko lang nong time na yun na parang may tibok..sa puso ko hindi sa pekpek. Eh since na hindi naman na ako beergin eh di Go na..bakit pa papakipot db?

Masaya naman kami sa unang buwan..padalawa at hanggang patatlo. Nasasakyan ko pa ang mga luma na nyang joke at kung ano ano pang mga gimik. May kilig to da bones pa. Nong pang apat na buwan na namin eh napadpad nga ang kapalaran ko dito sa kapitbahay ng Lupang Hinirang...ang Bali! At doon na nagsimula ang kung ano anong kapekpekan.

Bigla na lang nawala yung kilig. Wala na ako sa mood na kausapin sya sa phone. Pinag tataguan ko na din sya sa net. Ang lagi ko na lang nirarason eh pagod ako kaya siguro wala sa mood. Nakokornihan na din ako sa mga dyoks na paulit ulit. Sa madaling salita eh nawala ang magic sarap!!!

Pinilit kong ibalik. Ang dami nyang pasensya na ginagawa sa mga sungit mode ko. Binilhan nya ako ng ticket pabalik ng Lugar ng mga supot na sausage nong pasko pero mas pinili kung umuwi sa Lupang Hinirang. Naintindihan nya pa din daw ako. Feeling ko lang pinag tyatyagaan nya lang ako at sa huli nya ako babawian.

Umuwi ako ng Lugar ng mga supot na sausage nong February pero dalawang araw lang ako don eh lumipad na din ako ng Lugar ng mga pizza at pasta at mas piniling doon maglagi. Kung siguro may kilig pa talaga nong time na yun eh sa kanya ako magtitigil kesa sa mabuhay na tigang sa Milan.

Nagkausap kami ng ilang beses. Sinabi ko ang problema. Kami pa din daw at walang magbabago. Ang arte ko lang para ipursige na mag hiwalay na kami. So tyaga!

Sa kabila ng away namin. Sa kabila ng nararamdaman ko na wala ng magic sarap eh aaminin ko nandon pa yung sarap ng seks!

Hanggang sa bumalik ako dito sa kapitbahay ng Lupang Hinirang ganon pa din ang nararamdaman ko..parang awa na lang. Ilang linggo pa lang ako dito sa Bali eh umuwi sya ng Lupang Hinirang. Tatlong linggo na sya don eh nakaka dalawang teks pa lang sya sa akin. Busy lang daw sya kasi. Bayag!!

Hindi ko na din sinagot ang dalawang beses na teks na yun. Ok lang sa akin na wala na kami. Papanindigan ko na lang na hindi na kami nagkakausap.

Sabi nga ng kapatid ko..Baka daw ginawa ko lang syang tulay para makalimutan ko nong time na yun si fafarazzi! Baka nga..hindi ko alam!!

Ang alam ko lang ngayon eh wala na akong nararamdaman kay Fafarazzi ganon din kay GV...pero masaya ako kahit minsan eh bagot!!!

Yun lang..Bow!!!

Balinese tooth filing!!

Balinese na yata ang isa sa may pinaka maraming ritual..ceremony at kung ano anong ekek sa kanilang relihiyon. At yun ang isa sa palagay ko kung bakit dinadayo at interesting ang Bali..dahil sa kanilang kultura at relihiyong Balinese-Hindu.

Hindi ko na iisa isahin. Mahirap mag research. Mag sarili na lang tayo. Kanya kanya ang ibig kung sabihin hindi pagbabate.

May isa akong napuntahang kinaugaliang ritual ng mga Balinese...ito ay ang tooth filing. Himasin mo ito para sa kwento. 8------------->

Pero nong dumating kami eh tapos na ang akwal na ritual. Sori sa akin. Pero naka custume pa yung tinooth filing. Maghapon syang nakaganon dapat. Bongga ang cutume at bongga ang muk-ap. Medyo slight na bongga pa nga daw yung sa kanya dahil sa pag bongga ng muk-ap eh sa pagmahal ng bayad. Yang muk-ap nya na yan at di ka bonggahan na head dress eh nagkakahalaga na ng 120 dolyar!

Eto ang mga pekpektyurs!!
















nawala sa Venice

May kwento ako..hindi tungkol sa titi!

Isa ako sa kakaunting porsyento ng tao na walang hilig sa mobile phone. Sa katunayan eh pinaka mura na yata ng Sony E ang mobile ko. Basta pwedeng itext at itawag eh OK na ako don.

At isa din ako sa porsyento ng tao na hindi mahilig mag tetext at mag tatawag. Kasi wala din namang nag tetext sa akin at nag tatawag.

Aktuli ang rason lang kung bakit may mobile ako eh dahil sa vibration nito.

Eto na ang totoong kwento...kung baga sa seks eh foreplay lang yung binasa mo.

Last Easter eh binisita ako nong friend ko from Denmark na si ate Dang sa Italy. So dahil ako ang dinalaw nya eh ipinasyal ko sya sa ilang lugar na malapit lang sa Milan.

Kasama yung isa ko pang kaibigan sa Milano eh pumunta kaming tatlo sa Venice para ipasyal si ate Dang.


Maling desisyon pala. Dahil sa ang lahat yata ng tao nong panahon na yun eh sa Venice papunta. Siksikan sa daan. 


Bibigyan ko kayo ng itsura ng Venice.


Isang syudad na walang sasakyan sa loob. Ang tanging transportation lang don eh bangka na sobrang mahal o paa mo. Makikitid na kalye at dikit dikit na lumang gusali. Napapalibutan ng mga ilog kaya naman sandamakmak din ang mga tulay.


Imaginin mo yan na sobrang dami ng tao. Puta lang at parang naglalakad ka sa Divisoria. Yung talagang salubungan ang mga putang mga layas at hindi mo na maienjoy ang ganda ng lugar dahil sa inis mo sa dadaanan mo.


Eto ang konek sa foreplay ko at sa Venice...


Dahil sa wala namang nagmamahal sa akin at hindi tumutunog ang mobile ko eh nakalimutang kong icharge nong umaga bago kami pumunta ng Venice. Eh di sa Venice ko na lang nalaman na drained ang putang mobile.


Eto na..dahil sa siksikan at busy ako sa kakakodak sa mga viewkid eh nakawala ako sa mga kasama ko.


Hindi ako kinabahan kasi alam ko ang pauwi at may pera akong dala. Ang rason ko lang kung bakit kinailangan kong makita ang mga kasama ko eh nasa akin ang train ticket namin pauwi ng Milano.


Kamusta naman yung drained na nga ang mobile mo eh hindi mo pa sila matawagan sa mga payphone at hindi mo saulado ang numero. Puta kasi at naimbento ang address book sa phone..Bobo ka na tuloy!


Inisip kong humingi ng tulong sa kababayan kesa sa ibang lahi dahil alam kong mas maiintindihan ako ng kababayan.


Suot ang kakabili ko lang salaming pang araw eh sa isip isip ko hindi naman siguro ako pag hihinalaan na nag loloko lang. Makikisuot lang naman ng simcard eh sa mobile nila eh!


Unang attempt sa dalawang babaeng kababayan na nakasalubong ko sa daan. PALYA! Nagmamadali daw kasi sila.


Padalawang subok sa isang may edad ng kababayang babae uli na may mga kasama. PALYA! Ang rason eh galing daw kasi silang AMERIKA kaya hindi nila ako mapapahiram ng mobile.


Sa time na ito eh hinugot ko na sa pekpek ko ang natitirang pasensya at kakailanganin ko pa.


Patatlong subok sa isa ulit kakakabayang babae na medyo bata pa na may mga kasama din. PALYA ULIT!! Ang rason nya eh lowbatt din daw sya. Pero nong nakiusap ako na kung pwede na humingi ng pabor sa mga kasama nya eh sinagot nya ako ng " Baka kasi ayaw DIN nilang magpahiram ng phone eh!!"


Sa isip isip ko isang try na lang..pag wala pa mag huhubad na talaga ako sa gitna ng maraming tao at sisigaw ng Basilyo at Crispin..


May isang grupo ulit ng mga kababayang babae ang nilapitan ko. Sa puntong ito nakita ko pa din na nagdalawang isip si Ale. Nagmakaawa na ako sabay sabing magbibigay ako ng €5 ipasok nya lang ang pekpek ko sa titi ng asawa nya  simcard ko, 


Akalain mong nagtagumpay ako!! Pero medyo si Ale ang minalas dahil nong ipapasok na ang sim ko bigla akong nakita nong dalawang kasama ko. Nilipad ng hangin ang €5 ni Ale.


May lesson sa akin ang pangyayari na yun pwera sa wag aalis ng bahay na lowbatt ang mobile. Wag ka ding hihingi ng tulong sa kababayang babae...hindi sila nakukuha sa matam-is na ngiti.


Naisip ko..papaano na lang kung buong bag ko ang nawala sa akin sa panahon na yun. May mahihingan kaya ako ng tulong?? Siguro mukha akong magandang kawawa na napariwara sa daan at nag tatawag ng pangalan ng mga anak sa Venice.


Eto ang pekpektyur ko after maging mukhang kawawa!!!











 

pasta

Italiana ang yaya slash amo kong babae. German si yaya slash among lalaki. Kahit na Aleman yung lalaki eh Italian food kami lagi sa bahay. Mas healthy daw kasi kesa sa mga karne at sausage ng Aleman. 

So ano pa ang ineexpect mo sa pagkaing Ita kundi pasta at pizza. Sa araw araw na ginawa ni Batman eh may pasta kami. Kundi man sa tanghalian eh hapunan. Iba iba nga lang ang lahok. Pero puta pasta pa din.

Kaya naman pag lumalabas kami ng bahay eh hindi mo na ako mapapa order pa ng pasta. Nakakasuka na!! *sobrang arte mode on*

 kinain ko kanina!!


Pero kung hahainan mo ako ng pasta na ganito ang itsura. Kahit mula umagahan pa..kakainin ko yan! Suka ka sa sarap dyan!!!
 

ferayri na gawa sa Lego

Nakita ko ito 3 years ago sa isang mall sa Milan,Italy na naka display at for sale.

Siguro meron pa ding bibili nito..yung mga taong walang magawa sa kanilang pera pero ako???? Magkabunutan na ng bulbol pero ipapabunot ko na lang kesa sa bilhin ko itong sasakyan na ito.

Pero sa isang banda eh kahit ubusin ang lahat ng buhok ko sa buong katawan eh wala naman talaga akong ibibili nito.

Ferrari na gawa sa Lego...sa halagang 110,000 €!!!! Gawd...times 55 mo nga at yun ang halaga sa petut!!!

 

kulay lupang update

Pagkatapos ng isang linggong pakikipag landian at pakikipag laro ng gahasa gahasaan kay Golden Voy sa lugar ng mga supot na sausage eh sumakay ulit ako sa malaking ibon (eroplano hindi malaking burat) papunta ng kapitbahay ng Lupang Hinirang...ang Bali!

Magdadalawang linggo na ako dito ngayon. Halatang halata na dahil sa lalong pagtingkad ng aking kulay lupang kulay. Ang ibig sabihin din non eh magdadalang linggo na ding tigang ang kulay lupa kong pekpek.

Kung sa palagay mo eh may pupuntahan ang binabasa mo ngayon eh nagkakamali ka dahil ang gusto ko lang sabihin eh....

Magtatagal pa kami ng anim na linggo dito. At ibig sabihin lang nyan eh anim na linggo pang hindi madidiligan ang kulay lupa kong pekpek.

Sana eh may nakuha kayong aral sa binasa nyong ito. Sana eh sipagin akong mag upload ng mga pekpektyurs dito sa Bali at makita nyo naman ang kakaibang ganda ng kultura ng lugar na ito. Hindi ko sinabing lugar dahil naniniwala akong mas maganda pa ang Lupang Hinirang kung ganda lang ng lugar ang pag uusapan. 

Baypurnaw!!!

Ciao Milano!

Pauwi na ako ngayon sa lugar ng mga supot na sausage. Natapos ko na ang nirerenew kong visa dito sa lugar ng mga pizza at pasta. Isang linggo lang ako sa lugar ng mga supot na sausage at lilipad na naman ang pokpok na si ako sa kapitbahay ng Lupang Hinirang para magpaitim.

Wala naman masyadong nangyari sa kulang kulang dalawang buwan ko dito sa Pasyown Capital at lugar ng mga pizza at pasta kundi ang ilang pag gahasa lang sa ilang lugar dito sa Italia at sa isang bahagi ng Swiss. May tumubong salbabida nga din pala sa paligid ng bewang ko at naging skinny ang halos lahat kung pantalon. Hindi ko alam kung ikakasiya ko yun dahil may magandang naidulot naman. Bukod sa nasa uso ang skinny jeans eh may hahawakan na ang bf ko bukod sa boobs ko pag babayuhin ako. Makakapag pahinga si boobs!

Nameet ko ulit yung crush ko na pizza. Naadd ko sa FB..pero wala pa ding mangyayari kasi wala pang isang guhit sa kiluhan ang alam nya sa wikang banyaga at wala pa ding isang guhit sa kiluhan ang alam ko sa wikang Italiano. 

Ipagpaumanhin ang hindi ko pangangapitbahay. Di ko man kayo nadadalaw eh nasa pekpek ko kayo pwamis!!!

kilig

Sabi ko sa puta kong sarili na hindi ako magkakagusto o makikipag relasyon sa foreynger...NEVER!!!

Ang reason ko eh kasi nga supot sila. Kasi nga mahirap makipag away ng henglis. At isa pang kasi nga mahirap umungol ng henglis.

Eh ano itong ilang araw ko ng naiimagine at naiisip tuwing gabi yung nakilala kong Italian sa isang dinner.

At ang pinaka masakit sa lahat eh wala naman kaming naging pag uusap nong buong dinner na yun dahil sa dami namin sa isang lamesa. At ibig lang sabihin non eh wala ng chance na magkita kami ulit kasi sumabit lang naman ako sa dinner na yun. At isa pa eh wala namang eksenang palitan ng numero o add ekek sa FB para maipagpatuloy ang aking pantasya.

Para lang bumalik yung feeling nong high school ako na naging crush ko yung isang tricycle driver. Crush na crush ko pero hindi nya ako kilala!!

Puta talaga!!
 

DUDAY!!

Natatandaan nyo si Fafarazzi??

Eh yung asawa nya na ginulo ang bulbol ko??!

Aktuli nakalimutan ko na sila!! (ows??!)

Eh papaano kung sayo nangyari ang kwento ng buhay ko na yun at isang araw..bigla bigla na lang na nagparamdam na lang bigla sayo ulit ang asawa ni Fafarazzi para humingi ng SORRY sa mga nasabi nyang masama sa akin dati.

Ahahahahaha! Duday ang pangalan ko ngayon. Aba malay ko ba sa drama nya at bakit sya hihingi ng sowee sa akin?!
 

Mema

Isang linggo na ako dito sa Milan. At aabutin pa ako dito ng halos dalawang buwan. 

Nag rerenew kasi ako ng visa ko para makapag puta sa buong Yuropa. At aabutin ng halos dalawang buwan bago ko matatanggap ang bago kong residence card kaya wala akong choice kundi mag stay dito.

Ayaw ko dito. Nahihirapan ako. Aktuli dapat masaya ako kasi hindi ko naman kasama ang mga yaya slash amo ko ngayon. Marami akong freedom pero hindi yun ang nararamdaman ko.

Umupa ako ng mahihigaan. Mahihigaan kasi talagang bed lang sa halagang 150€ o 10k petut. Common ang banyo. Walo lang naman kami sa isang 1 bedroom apartment.

Isa yan sa buhay Italia..siksikan sa bahay. Puro kababayan ang kasama ko sa bahay pero nilinaw ko sa kanila na walang pakialamanan.

Sa ngayon hindi naman talaga ako bakante. Nag tratrabaho ako sa nanay ng yaya slash amo ko sa umaga hanggang alas dos ng hapon tapos pwede na akong mag puta.

Dito sa Milan hindi mo mamimiss ang Pinas pagdating sa pagkain. Nagkalat dito yan. Pati mga kababayan..nagkalat din kaya naman pati tsismis eh nagkalat din!

Hanggang sa muli kong pag kwekwento ng walang kwenta!!!

kakaibang burtdey!!

Noong nag burtday ako ng 30 years old eh kakaiba ang aking naging selebrasyon!

Kasalukuyan kami noong nasa Switzerlad para sa skiing bakasyon ng aking yaya slash amo....pero nong araw ng aking burtdey eh pauwi na kami non sa Copenhagen.

Umagahan sa Swiss...
Tanghalian sa kalawakan...
At hapunan sa Denmark!

At aakalain ko bang mauulit ulit ang ganong pagkakataon sa ibang panahon at lugar??

Pagkalipas nga limang taon eh  natikman ko ulit ang ganong sarap!!

Saktong pumasok ang alas dose ng madaling araw ng aking burtdey eh lumapag kami sa Singapore para sa refuelling galing Bali. 

Nag umagahan sa kalawakan...
Nag tanghalian sa Amsterdam...
At nag hapunan sa Hamburg!!

At may isa pa akong naranasan ngayong ika 35 na taon ko....Dahil sa inabutan ako ng burtdey sa time zone ng Asia at tinapos ko ang burtdey sa time zone ng EU eh nag selebreyt ako ng bertdey ng 31 hours!!!! 

Pinakamahabang bertdey ko!!! Yibaa!! 

At may kasama pang gahasaan nong gabi!!! hihihihi

itchy foot!

Confirmed na!


Hindi yung confirmed na bakla ako. Hindi din yung confirmed na may libog ako. Hindi din yung confirmed na may topak talaga ako minsan. Kundi….


Confirmed na ang ticket ko pabalik ng lugar ng mga supot na sausage. Aalis ako dito sa kapitbahay ng lupang hinirang sa 18 ng Feb at ang ibig sabihin non eh sasalubungin ko at magbuburtdey ako sa kalawakan.


Confirmed na din ang ticket ko mula lugar ng mga supot na sausage punta ng lugar ng mga pasta at pizza sa 21 ng Feb. At ibig ding sabihin non eh makikipag seks lang ako ng dalawang gabi sa lugar ng mga supot na sausage at rarampa na sa lugar ng mga pasta at pizza.


At ang pinaka masarap dyan eh mag isa lang ako babyahe! Walang asungot na mga litol supot. Moment ko to!!


Yehes!! Kandirit kandirit mode ON!

Intsik

Nasa isang limang star na resort kami kanina kasama ko ang aking yaya slash amo at ang mga litol supot para mag lunch sa kanilang resto na may pool sa gilid.

Pagkatapos naming kumain eh naligo ang mga litol supot sa pool. Syempre ako eh pahila hilata ang katawang kulay lupa sa mga pahingahan sa gilid ng pool habang ang mga mata eh busy sa pagbabantay.

May dumaan na mag jowa. Narinig ko si boylet naghahanap ng sigarilyo at sumagot naman ang babaitang kasama...sa parehong salitang tagalog!

Kung sa ibang pagkakataon siguro eh baka nakipag kilala na ako at nakipag kwentuhan sa kanila. Sabik ako sa kababayan dito db?

Pero hindi kanina...dahil sa aliping sagigilid ang drama ko kanina at ang sososyal ng aura nila. Kanina ko pinasalamatan na may pagmumukhang lokal ako. Ako na ang insekyur!

rico blanco

Bago ko pinindot ang new post ng bahay ko eh may gusto akong ikwento.......




at nong nasa blankong page na ako at handang magtype eh bigla na lang nawalang parang tamod sa tissue paper.


Ang tanging natira eh ang amoy ng clorox!!!!

pamamaalam sayo!

May mga pagkakataon na kahit na mahal at gusto mo pa sya eh kailangan mo syang pakawalan. May mga rason. Hindi naman ako magiging padalusdalos sa pagkakataong ito. Matagal kong pinag isipan at tinimbang ang mga rason. Pero iisa ang lumalabas...................kailangan kitang bitawan.

Mahal kita. Naging kasama sa maraming saya at pagkakataon. Marami tayong pinag daanang mga pagsubok na magkasama. Pero dumating yung oras na hindi na kita nakakasama dahil sa nagiging pabigat ka na sa akin. Magaling ka pa din. Dabest ka pa din..pero sabi ko nga may mga rason ang pagdedesisiyon ko ng ganito. Magiging anfeyr sayo kung basta na lang kita iiwan sa isang sulok kasi alam kong marami ka pang magagawa..may asim ka pa kaya masakit man sa pekpek ko eh nagdesisyon akong hanapan ka ng taong mag aalaga sayo.

Alam ko unfeyr ako na basta na lang kita hanapan ng panibagong mamahalin na hindi man lang kita tinatanong kung gusto mo ba? Eh takot ko na lang na sumagot ka?!



Ano ang gagawin ko kung sumagot ang isang DSLR???

guni guni ko lang

Alam mo yung feeling na may gusto kang gawin as in ngayong ngayon na. Tapos hindi mo naman magawa ng ngayong ngayon na dahil napaka imposibleng gawin ng ngayong ngayon na?! Tapos saka mo marerealized na kailangan ng napakatagal na proseso para mo magawa yung bagay na gusto mong gawin ngayong ngayon na.

Sakit sa pekpek db?

Ewan ko bigla bigla ko na lang naramdaman na gusto ko ng mag kapamilya. Magkaroon ng puckner for life hindi yung pang ilang buwan o taon lang. Ah basta yung idea drama ng pagkakaroon ng asawa…ganon!! Yung pamilya na akin talaga. Yung may uuwian akong sariling bahay tuwing hapon. Yung may ipagluluto ka. May iintindihin kang mga responsibilidad bilang ilaw ng tahanan. Yung may lalambingin at lalandiin ka. Yung may hahaplos sayo pag pagod ka. Yung may mag aalaga sayo at may aalagaan ka. Yung may magiging kahati ka sa mga desisyon at problema. At higit sa lahat….yung may gagahasa sayo pagdating ng gabi!

Pero hindi naman ganon kadali yun. Lalo na sa kagaya ko na sanay na mamroblema at gawan ng solusyon ang problema mag isa. Nasanay na akong mag isa. Sakit sa pekpek yun.

May GV nga ako ngayon pero hindi ko naman maramdaman na sya yung magiging puckner for life ko. Choosy ba ako o di pa lang sya ang talagang kasukat ng pekpek ko.

Ahhhhhhh!!! Baka epekto lang ito ng nag iinit ako pero walang mapag labasan ng nararamdaman. Hindi na makuha sa pagbabad sa tubig. Hindi na makuha sa paglalaro sa sarili. Hanggang kailan ako magiging ganito? Tigang!!

Crispy burat

Alam mo yung feeling ng nakakita ka ng burat sa isang tumpok ng dayami??

Ganon na ganon yung feeling ko nong nakita ko sa isang site ng review ng mga resto dito sa Bali na may Pinoy resto dito. Ekelein me yewn??

At sugod agad si putang ako. Padalawa lang ang pagkain sa pagpunta ko don. Inisip ko kasi na kung Pinoy resto yun sure na may mga kababayan don. At kung may kababayan don eh di magkakaroon na ako ng mga kakilalang kababayan dito.


At sa pagpunta ko nga don ko nalaman na bigo ang putang si ako sa mga inakala. Una walang kababayan don sa resto na yun kundi yung GM nila na wala na nong time na kumain ako. Syempre GM yun kaya malamang sobrang sosyal non at sobrang busy na din. Padalawa...apat na putahe lang ang pagkaing pinoy sa menu nila at ang rest eh kung ano anong bansa na.


Alam mo yung feeling na pagkatapos mong maeksayt ng sobra dahil nakakita ka ng burat sa gitna ng mga dayami eh nalaman mo na plastic lang pala ang titing nandon??


Yung feeling na...sige na nga..pwede na!! Pwede ng pagtyagaan!!


Ang apat na menu sa list nila eh Crispy Pata (don kinuha ang name ng resto)..Chicken adobo..Pansit canton..at turon titing binalot sa condom (pritong saging na binalot sa lumpia wrapper)


Pwedeng balikan!! Sabik eh......


Tsuri walang pekpektyur...tinamad ako nong gabi na yun!!!




nawawala si privacy!!!

Mahalaga sa akin ang banyo o kubeta. Dito ko kasi nailalabas ang mga kaartehan ko sa katawan at ang mga emosyong hindi dapat makita ng ibang tao. Feeling ko sanctuary ko ito.


Sa banyo ko ginagawa ang pagbubunot ng damo sa kilay. Sa banyo ko ginagawa ang pagaahit ng bulbol ko sa kilikili. Sa banyo ko ginagawa ang pag gupit sa buhok ko sa pagitan ng aking mga hita.


Opkors sa banyo natin inaalis ang dumi ng maghapon. Sa banyo ako nag aayos ng aking sarili. Nasa banyo ko lahat ng kung ano anong kiriray kit ko ultimo pabango. Dito ako nakakapagpaikot ikot sa salamin na ang tanging suot eh ang kulay brown kung balat.


Sa banyo din syempre nangyayari ang mga emosyon na hindi dapat makita ng ibang tao. Pag nasasarapan ka at pag nahihirapan ka…….sa pagtae. Pagkinikilig ka pag umiihi.


Minsan na din akong nag inarte kay eks Fafarazzi (maisingit lang) at don ako natulog sa banyo namin. Talaga namang masasabi ko na madami akong oras na ginugugol sa kanya kaya mahal at importante sya sa akin.


At higit sa lahat…dito ko din nilalaro si Sarili.


Ito ang lugar na nagiging totoo ako sa sarili ko kasi wala namang ibang makakakita sa mga pinag gagawa ko.


Ngunit papaano kung binigyan ka ng ganitong banyo??!





Ilang beses ng naliligo ako na may tao sa garden ng kabilang bahay...tanong mo pa eh di para akong tanga na nakasuksok sa gilid. Ilang beses na din yung halos naudlot yung tae ko dahil sa dadaan yung gardener nong kabilang bahay sa gilid ng banyo ko. Kaya laging todo prodyek ang itsura ko kahit na kailangang mong umire at baka may nanonood. Hindi ko din mailabas ang kyut na facial ekspresyon pag di lumabas ang tae ko at baka may makakita at mainlab sa itsura ko.


Puta lang....mula nong dumating ako dito sa Bali eh para na lagi akong tanga pag nasa banyo. As in daig ko pa siguro ang nasa bahay ni Koya sa PBB. Aning na aning lang ang drama ko dito.
Di bale..malapit na..ilang linggo na lang at bye putang banyo na ako!!

OA na mall

Noong isang araw na libre ako sa trabaho nong hapon eh naisipan kung pumunta sa mall. Sa totoong buhay pilit kung pinapaniwala ang sarili ko na hindi ako mahilig sa mall. Hindi ako mahilig mag window shopping kasi para sa akin yan ang simula ng pagkati ng kamay ko. May mga nabibili akong gamit na hindi ko kailangan o akala ko eh bagay sa akin dahil sa maganda sa putang manikin...tapos pagsuot ko na yung damit o gamit na nabili ko eh mukha lang jologs. Puta lang db?


Pero wala namang pakialam ang wala kong pagkahilig sa mall sa kwento ko ngayon. Isa na namang kaputahan ang kwento ko sa taas.


Ayun nga..pumunta ako ng mall kasi may balak akong gawin. Ang uminum ng kape at bumili ng silver metallic na kulay ng kyuteks! Gora ang bakla sa pinaka malaking mall daw sa Bali. Perstaym ko!! Puro branded daw ang mga tindahan don at talaga namang pangmayaman ang presyo. Go naman ako kahit hindi mayaman...magkakape nga lang at bibili ng kyuteks db?


Pagdating don...Failed kaagad. Para syang Ever Gotesco lang sa Monumento. Bagong version nga lang ng Ever. Ako na ang galing sa bansang puro mall kaya siguro ganon ang epekto sa akin. Tsuri naman. May mga mamahaling brand nga pero hindi naman yung OA na brand. At marami ding local brand. Tsaka hindi naman pangmayaman yung lugar...Oo maraming foreynger pero hindi naman ibig sabihin non mayayaman yun lahat db? Sa tingin ko iisa lang ang tama sa mga narinig kung sabi sabi about sa mall...mamahalin ang tinda don. As in OA sa pagkamahal.


Unang stop. Isang kapehang pang buong mundo. Puta lang ang presyo ng dalawang kape at dalawang hiwa ng pekpek cake. 20 Dolyars!!!! Sige na pinatos na kasi sabik na ako sa TITI kape nila.


Sunod na stop. Kyuteks. Walang tag kaya nitanong ko sa tindera. Nilabas ang calculator para sa convertion ng pera. 25 Dolyar?????! Puta syempre hindi ko binili. Hindi ko kilala yung tatak ni kyuteks tapos babayaran ko ng ganon? Oo puta ako pero hindi baliw. Ay minsan lang pala baliw!


Palabas na ako nong nadaanan ko ang Birkinstock. Isa pang puta at doble ang presyo.


Hindi na ako nag ikot sa loob. Dumeretso na lang kami nong kasama ko sa likod ng mall kasi dagat na yun....at maganda don ang sunset. Pero isang malaking failed na naman kasi nakipag date yata ang putang araw at wala nong araw na yun. Tinabunan sya ng makapal pa sa bulbol na ulap.

libog sa mga plano

Noong bago kami pumunta dito sa Bali ang dami daming plano ang nabuo sa berde kong isip. Yung mga gagawin ko at pupuntahang lugar. Vietnam..Cambodia..Malaysia..Manood ng pekpek show sa Bangkok..Maging isang city gurl sa Singapura..Maikot buong Bali at kung ano ano pang kaputahan.

Isa sa mga plano ko sa buhay eh makapag backpacking trip sa South East kahit na hindi ko alam kung ano ang saktong lokasyon ng South East. Sensya naman at south at north lang ang tanda ko..baba at taas. Nalilito na ako sa east at west.

Dito sa Bali eh iilang lugar pa lang din ang napupuntahan ko. Pabalik na ako sa Yurop sa isang buwan pero hanggang ngayon eh umaatake pa din yung katamaran kong mag lumandi sa labas. Nakakainis kasi at sarili ko lang ang kasama ko tuwing mag gagala ako. Wala akong kaibigan dito o yung tao na kilala ko na paglalayas din ang peg. At doon nga nagsimula yung lagi na lang na mas gusto ko pa ang laruin si sarili sa loob ng kwarto kesa sa irampa sya sa labas ng bahay. 

Bago sana ako bumalik sa taas ng parte ng mundo eh bigyan nyo po ako ng libog na makapaglayas....ngayon kahit SG lang ok na. Yung tipong makalabas naman ako ng erpurt ng SG hindi yung lagi na lang hanggang loob lang ako ng erpurt nito.

 

palay



“Magtanim ay hindi biro,maghapong nakayuko!!”
(kakasakit ng panganyod)
 

Kung di mo pa alam..lyrics ng isang kantang pinoy yan tungkol sa pagtatanim ng palay. Ang galling lang ng sumulat ng kanta na yan. Inisip ko na malamang eh galing sa pamilya ng magsasaka kasi alam nya ang hirap ng pagtatanim ng pangunahing pagkain hindi lang sa Bayang Sinilangan kundi na din sa mga kalapit bansa nito.
 

Sa tinitirhan ko ngayon eh kaharap lang ng kwarto ko ay palayan. Hindi naman sa ngayon ko lang napahalagahan ang hirap ng mga magsasaka sa kanilang ginagawa kundi ngayon ko lang talaga nasubaybayan ang kanilang mga ginagawa bago makaani ng butil ng palay. At talaga namang sa tingin ko pa lang eh talagang nakakapagod na. Nasa initan ka sa lahat ng oras mo. Kakailanganin ng todong pagpapalabas ng maskel sa bigat ng trabaho. Nakalubog ka sa putik at higit sa lahat pag nagtatanim eh talagang nakayuko na nakakapagod yun ng panganyod. Gawd!!
 

 Nagtataka nga ako kung bakit nakakagawa pa ng bata sa gabi ang mga nagsasaka. Kung ako yun malamang para akong katawan ng saging na itinumba sa higaan tuwing gabi.
 

Kaya kung ikaw eh isang nilalang na nagsasayang ng kanin..magdalawa..tatlo..apat na isip ka. Hindi mo alam ang hirap ng mga taong nagtatanim para sa bigas na ating kinakain.
 

Hindi ko alam kung may makakaimbento ng makina na gagawa ng bigas…pero sana wala. Hindi sa dahil gusto kong may taong maghirap kundi para sa akin eh ang pagtingin sa palayan at sa mga gumagawa doon eh para ka na ding tumitingin sa isang buhay na sining…the beauty and art of planting rice!
 

Naalala ko ang mudra ko nong bubot pa ako at wala pang kamalayan sa sarap ng seks…lagi nyang pinasasaid ultimo isang butil ng kanin sa plato namin kasi daw kahit daw ang isang butil noon eh katumbas ng isang buong katawan ni Fafa Jetut. Ngayon ko lang napag isip ang ibig nyang sabihin.


ninang ako hindi banko

Noong NAGPAANAK ako eh binigyan ko ng sandamakmak na ninong at ninang ang anak ko. Yung tipong inubos ko na lahat ng close friends ko. Yung tipong hindi na ako magkakanak ulit at kinuha ko na sila.

Pero pwamis wala akong ibang motibo don kundi binigyan ko lang sila ng kota (minimun) kung magkano ang tatanggapin ko na regalo nila sa anak ko. May rason ako non...single mama ako kaya kailangan ko ang pera pang gatas nya nong mga panahon na yun kahit na ang totoo eh si mudra ang nagpapagatas sa anak ko.

Pero pagkatapos nong binyagan na yun hindi ko na sila binulabog tuwing pasko para pwersahin silang bigyan ng papasko ang inaanak nila.

Alam ko naman kasi sa kaibuturan ng pekpek ko ang ibig sabihin ng isang ninang/ninong sa binyag. Hindi yun nagtatapos sa pagreregalo tuwing pasko. Hindi yun negosyo!

Ano ang rason ko sa pag kwekwento  ng bagay na ito???


Naiinis ako at kung bakit kailangan sabihan ako ng nanay at tatay ng mga inaanak ko na marami na akong utang sa anak nila. Yung isa pa eh bilhan ko daw ng soccer shoes yung inaanak ko at kailangan na next week. Agad agad??!

Pag ganito pa naman eh lalo akong di nagpaparamdam. Sabi ko don sa isa...prayers ang regalo ko sa inaanak ko..aba at hindi na sumagot sa message ko!!

Lupang basa

Mula nong bumalik ako dito sa Bali eh hindi pa nag dedeyuff si putang ako. Tinatamad ako dahil sa araw araw na lang na ginawa ni Batman eh ulan ng ulan.

Nong isang madaling araw pa eh napraning ako ng sobra. Nagising ako nang madaling araw na sobrang lakas ng ulan at hangin. Naiisip ko na baka katapusan na ng katawang lupa ko. Papaano na lang pag nagka flashflood o tsunami...mailigtas kaya ang kulay lupa kong katawan. Kinang kapraningan yun at biglang nawala ng segundo ang trust (tiwala hindi condom) ko kay Fafa Jetut.

Buti pa ang lupa ngayon dito laging basa samantalang ako eh malapit ng magbitak at hindi nadidiligan.

Pagbalik tanaw

Ang dami dami lang nangyari sa akin nong nagdaang taon.


Kabiguan..kaputahan..mga napuntahang bagong lugar..mga napuntahang dati ng napuntahan..nagkaroon ng bagong lalaki sa buhay..nakapagbakasyon ng dalawang beses sa Bayang Sinilangan..tumira sa bagong lugar..mga nakilalang bagong mukha at bagong kaibigan..mga pagkaing ngayon ko lang natikman..at kung ano ano pang kapokpokan!!


Pero syempre madami pa din ang bilang ng pakikipag seks ko kesa sa mga nangyari kung ano ano kaya nagpapasalamat pa din ako kay Fafa Jetut!!!


Sabi nga...kahit ano pang nangyayari sa buhay natin...wala tayong karapatang mag reklamo...dapat eh MAGPASALAMAT lang lagi at ibinigay sa atin ang mga ganong pagkakataon at pangyayari.


More libog sa taong ito!!! Kampay!!

Salubong!!

Feel ko lang na magbago ulit ng bahay! Feel ko lang na medyo hindi maganda ang dalang libog sa akin nong isa kong bahay....at nagbabalik ako sa Blogspot! Wala namang maapektuhan diba? 

Sana lang eh maraming maraming libog ang dala ng bago kong tirahan ngayon...para naman hindi magbitak ang lupang pangako!

Welkam bak tibak!