OA na mall

Noong isang araw na libre ako sa trabaho nong hapon eh naisipan kung pumunta sa mall. Sa totoong buhay pilit kung pinapaniwala ang sarili ko na hindi ako mahilig sa mall. Hindi ako mahilig mag window shopping kasi para sa akin yan ang simula ng pagkati ng kamay ko. May mga nabibili akong gamit na hindi ko kailangan o akala ko eh bagay sa akin dahil sa maganda sa putang manikin...tapos pagsuot ko na yung damit o gamit na nabili ko eh mukha lang jologs. Puta lang db?


Pero wala namang pakialam ang wala kong pagkahilig sa mall sa kwento ko ngayon. Isa na namang kaputahan ang kwento ko sa taas.


Ayun nga..pumunta ako ng mall kasi may balak akong gawin. Ang uminum ng kape at bumili ng silver metallic na kulay ng kyuteks! Gora ang bakla sa pinaka malaking mall daw sa Bali. Perstaym ko!! Puro branded daw ang mga tindahan don at talaga namang pangmayaman ang presyo. Go naman ako kahit hindi mayaman...magkakape nga lang at bibili ng kyuteks db?


Pagdating don...Failed kaagad. Para syang Ever Gotesco lang sa Monumento. Bagong version nga lang ng Ever. Ako na ang galing sa bansang puro mall kaya siguro ganon ang epekto sa akin. Tsuri naman. May mga mamahaling brand nga pero hindi naman yung OA na brand. At marami ding local brand. Tsaka hindi naman pangmayaman yung lugar...Oo maraming foreynger pero hindi naman ibig sabihin non mayayaman yun lahat db? Sa tingin ko iisa lang ang tama sa mga narinig kung sabi sabi about sa mall...mamahalin ang tinda don. As in OA sa pagkamahal.


Unang stop. Isang kapehang pang buong mundo. Puta lang ang presyo ng dalawang kape at dalawang hiwa ng pekpek cake. 20 Dolyars!!!! Sige na pinatos na kasi sabik na ako sa TITI kape nila.


Sunod na stop. Kyuteks. Walang tag kaya nitanong ko sa tindera. Nilabas ang calculator para sa convertion ng pera. 25 Dolyar?????! Puta syempre hindi ko binili. Hindi ko kilala yung tatak ni kyuteks tapos babayaran ko ng ganon? Oo puta ako pero hindi baliw. Ay minsan lang pala baliw!


Palabas na ako nong nadaanan ko ang Birkinstock. Isa pang puta at doble ang presyo.


Hindi na ako nag ikot sa loob. Dumeretso na lang kami nong kasama ko sa likod ng mall kasi dagat na yun....at maganda don ang sunset. Pero isang malaking failed na naman kasi nakipag date yata ang putang araw at wala nong araw na yun. Tinabunan sya ng makapal pa sa bulbol na ulap.