nawala sa Venice

May kwento ako..hindi tungkol sa titi!

Isa ako sa kakaunting porsyento ng tao na walang hilig sa mobile phone. Sa katunayan eh pinaka mura na yata ng Sony E ang mobile ko. Basta pwedeng itext at itawag eh OK na ako don.

At isa din ako sa porsyento ng tao na hindi mahilig mag tetext at mag tatawag. Kasi wala din namang nag tetext sa akin at nag tatawag.

Aktuli ang rason lang kung bakit may mobile ako eh dahil sa vibration nito.

Eto na ang totoong kwento...kung baga sa seks eh foreplay lang yung binasa mo.

Last Easter eh binisita ako nong friend ko from Denmark na si ate Dang sa Italy. So dahil ako ang dinalaw nya eh ipinasyal ko sya sa ilang lugar na malapit lang sa Milan.

Kasama yung isa ko pang kaibigan sa Milano eh pumunta kaming tatlo sa Venice para ipasyal si ate Dang.


Maling desisyon pala. Dahil sa ang lahat yata ng tao nong panahon na yun eh sa Venice papunta. Siksikan sa daan. 


Bibigyan ko kayo ng itsura ng Venice.


Isang syudad na walang sasakyan sa loob. Ang tanging transportation lang don eh bangka na sobrang mahal o paa mo. Makikitid na kalye at dikit dikit na lumang gusali. Napapalibutan ng mga ilog kaya naman sandamakmak din ang mga tulay.


Imaginin mo yan na sobrang dami ng tao. Puta lang at parang naglalakad ka sa Divisoria. Yung talagang salubungan ang mga putang mga layas at hindi mo na maienjoy ang ganda ng lugar dahil sa inis mo sa dadaanan mo.


Eto ang konek sa foreplay ko at sa Venice...


Dahil sa wala namang nagmamahal sa akin at hindi tumutunog ang mobile ko eh nakalimutang kong icharge nong umaga bago kami pumunta ng Venice. Eh di sa Venice ko na lang nalaman na drained ang putang mobile.


Eto na..dahil sa siksikan at busy ako sa kakakodak sa mga viewkid eh nakawala ako sa mga kasama ko.


Hindi ako kinabahan kasi alam ko ang pauwi at may pera akong dala. Ang rason ko lang kung bakit kinailangan kong makita ang mga kasama ko eh nasa akin ang train ticket namin pauwi ng Milano.


Kamusta naman yung drained na nga ang mobile mo eh hindi mo pa sila matawagan sa mga payphone at hindi mo saulado ang numero. Puta kasi at naimbento ang address book sa phone..Bobo ka na tuloy!


Inisip kong humingi ng tulong sa kababayan kesa sa ibang lahi dahil alam kong mas maiintindihan ako ng kababayan.


Suot ang kakabili ko lang salaming pang araw eh sa isip isip ko hindi naman siguro ako pag hihinalaan na nag loloko lang. Makikisuot lang naman ng simcard eh sa mobile nila eh!


Unang attempt sa dalawang babaeng kababayan na nakasalubong ko sa daan. PALYA! Nagmamadali daw kasi sila.


Padalawang subok sa isang may edad ng kababayang babae uli na may mga kasama. PALYA! Ang rason eh galing daw kasi silang AMERIKA kaya hindi nila ako mapapahiram ng mobile.


Sa time na ito eh hinugot ko na sa pekpek ko ang natitirang pasensya at kakailanganin ko pa.


Patatlong subok sa isa ulit kakakabayang babae na medyo bata pa na may mga kasama din. PALYA ULIT!! Ang rason nya eh lowbatt din daw sya. Pero nong nakiusap ako na kung pwede na humingi ng pabor sa mga kasama nya eh sinagot nya ako ng " Baka kasi ayaw DIN nilang magpahiram ng phone eh!!"


Sa isip isip ko isang try na lang..pag wala pa mag huhubad na talaga ako sa gitna ng maraming tao at sisigaw ng Basilyo at Crispin..


May isang grupo ulit ng mga kababayang babae ang nilapitan ko. Sa puntong ito nakita ko pa din na nagdalawang isip si Ale. Nagmakaawa na ako sabay sabing magbibigay ako ng €5 ipasok nya lang ang pekpek ko sa titi ng asawa nya  simcard ko, 


Akalain mong nagtagumpay ako!! Pero medyo si Ale ang minalas dahil nong ipapasok na ang sim ko bigla akong nakita nong dalawang kasama ko. Nilipad ng hangin ang €5 ni Ale.


May lesson sa akin ang pangyayari na yun pwera sa wag aalis ng bahay na lowbatt ang mobile. Wag ka ding hihingi ng tulong sa kababayang babae...hindi sila nakukuha sa matam-is na ngiti.


Naisip ko..papaano na lang kung buong bag ko ang nawala sa akin sa panahon na yun. May mahihingan kaya ako ng tulong?? Siguro mukha akong magandang kawawa na napariwara sa daan at nag tatawag ng pangalan ng mga anak sa Venice.


Eto ang pekpektyur ko after maging mukhang kawawa!!!











 

4 comments:

Anonymous said...

nakakalungkot naman ang ganyan. magkababayan pero parang may pagdududa pa rin... buti na lang talaga at nakita ka nila. hehe..

Little Miss Pataki said...

Akala ko madaling manghingi ng tulong sa kababayan pag nasa ibang bansa. Noted yan. Balang araw maglilibot ako everywhere at pag kailangan ko ng tulong, cleavage lang ang sagot. LOL

salbehe said...

Nainis naman ako sa kwento mo.

YOW said...

Mukha kang magandang kawawa Ate Powkie. Hahaha. Amporma nun. Joke lang. Nakita ko pa nga yung status mo about this. Tsk tsk.