bumalik na pangarap!

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang kwento ko...as usual! Mas mabuti pa ang mag kwento ng pag gawa ng bata at alam ko kung saan ko sisimulan.

Nong panahon na wala pang nakakapasok na parte ng katawan ng ibang tao sa pekpek ko eh marami akong mga nabuong mga kakaibang plano sa buhay ko at mga gusto kong gawin sa mga pang hinaharap. Isa na dito ang....

Gusto kong mag travel sa buong Pilipinas na sakay lang sa enduro na motor. May dalang tent at kung saan lang abutin ng gabi eh don magtatayo ng tent. Puntahan ang mga magagandang lugar ng bawat bayan at akyatin ang mga bundok na dapat akyatin.

So since na hindi naman ako natutong mag bisikleta eh imposible ang plano kong gawin kasi hindi din ako matututong mag motor!! Naiba ang pangarap ko mula non. Maghahanap ako ng lalaking gagawing fafalet na may motor at willing sumama sa kaululan ko. Back rider na lang ang drama ko. So kailangan adventurer din ang utak gaya ko.

Fast forward ng konti.

Nong nagsisimula akong sumama sa isang mountaineer group non sa aming probinsya eh may naririnig akong isang pangalan na matibay sa akyatan. Presidente sya nong grupo na yun pero hindi ko sya nameet ng personal kasi di sya masyadong active nong time na yun kasi nga nakapag asawa na sya. Nakikita ko sya pero never kaming nagkaroon ng time na magkakilala. Nacrushan ko na sya non pa lang kahit na hindi naman sya nagtataglay ng magandang itsura. Makikita mo kasi sa kanya kung gaano nya kamahal ang Inang Kalikasan.

After 13 years nakita ko sya sa FB!! At nagkaroon ng pagkakataon na iadd...yibaaaa!! At isa pang At...At hiwalay na sya sa asawa nya! Bwahahahahaha

At ang maganda nito...nakakapag usap kami sa chat!!!!

Laki na ng pinagbago nya sa pisikal na anyo pero hindi sa pagmamahal sa Inang Kalikasan.

Sya pa din ang presidente ng mountaineer group na yun. Head teacher na din sya ng isang pampublikong eskwelahan. Marami na ding mga project ang ginawa nya na tumutulong sa mga pangangailangan ng mga batang mangyan. At higit sa lahat hilig nya din ngayon ang maglayas.....ng naka motor lang!!

Sya na kaya ang magiging sagot sa aking pinapangarap na adventure of a life time ko??? Hindi ko sya nilalandi sa chat pwamis....konti lang!!!