magic sarap

Ang kwentong ito ay hatid sa inyo ng Mr. Clean...ang sabon ng mga kalbong macho! *parang burat lang..machong kalbo*


Kung ano yung ikinasalimuot ng buhay puso ko kay Fafarazzi ay sya namang sobrang tahimik ng puso ko kay GV. Kasing gulo ng bulbol ko ang puso ko. Eto ang tsismis...

Nong nakilala ko si GV eh yun yung time na sobrang madugo pa ang pekpek puso ko dahil sa pag hihiwalay namin ni Fafarazzi. Hindi naman dahil sa tigang ako nong mga panahon na yun kaya naging kami. Naramdaman ko lang nong time na yun na parang may tibok..sa puso ko hindi sa pekpek. Eh since na hindi naman na ako beergin eh di Go na..bakit pa papakipot db?

Masaya naman kami sa unang buwan..padalawa at hanggang patatlo. Nasasakyan ko pa ang mga luma na nyang joke at kung ano ano pang mga gimik. May kilig to da bones pa. Nong pang apat na buwan na namin eh napadpad nga ang kapalaran ko dito sa kapitbahay ng Lupang Hinirang...ang Bali! At doon na nagsimula ang kung ano anong kapekpekan.

Bigla na lang nawala yung kilig. Wala na ako sa mood na kausapin sya sa phone. Pinag tataguan ko na din sya sa net. Ang lagi ko na lang nirarason eh pagod ako kaya siguro wala sa mood. Nakokornihan na din ako sa mga dyoks na paulit ulit. Sa madaling salita eh nawala ang magic sarap!!!

Pinilit kong ibalik. Ang dami nyang pasensya na ginagawa sa mga sungit mode ko. Binilhan nya ako ng ticket pabalik ng Lugar ng mga supot na sausage nong pasko pero mas pinili kung umuwi sa Lupang Hinirang. Naintindihan nya pa din daw ako. Feeling ko lang pinag tyatyagaan nya lang ako at sa huli nya ako babawian.

Umuwi ako ng Lugar ng mga supot na sausage nong February pero dalawang araw lang ako don eh lumipad na din ako ng Lugar ng mga pizza at pasta at mas piniling doon maglagi. Kung siguro may kilig pa talaga nong time na yun eh sa kanya ako magtitigil kesa sa mabuhay na tigang sa Milan.

Nagkausap kami ng ilang beses. Sinabi ko ang problema. Kami pa din daw at walang magbabago. Ang arte ko lang para ipursige na mag hiwalay na kami. So tyaga!

Sa kabila ng away namin. Sa kabila ng nararamdaman ko na wala ng magic sarap eh aaminin ko nandon pa yung sarap ng seks!

Hanggang sa bumalik ako dito sa kapitbahay ng Lupang Hinirang ganon pa din ang nararamdaman ko..parang awa na lang. Ilang linggo pa lang ako dito sa Bali eh umuwi sya ng Lupang Hinirang. Tatlong linggo na sya don eh nakaka dalawang teks pa lang sya sa akin. Busy lang daw sya kasi. Bayag!!

Hindi ko na din sinagot ang dalawang beses na teks na yun. Ok lang sa akin na wala na kami. Papanindigan ko na lang na hindi na kami nagkakausap.

Sabi nga ng kapatid ko..Baka daw ginawa ko lang syang tulay para makalimutan ko nong time na yun si fafarazzi! Baka nga..hindi ko alam!!

Ang alam ko lang ngayon eh wala na akong nararamdaman kay Fafarazzi ganon din kay GV...pero masaya ako kahit minsan eh bagot!!!

Yun lang..Bow!!!

6 comments:

Anonymous said...

as long as you're happy gow! :)

Little Miss Pataki said...

Shaks ambilis ng mga pangyayari. Or ambilis lang kasi sa kwento? Haha. Pero diba, basta you are certain that you don't have feelings for them anymore, keribels. Haha. May time na sinabi ko sa sarili ko na wala ng feelings para sa hinayupak na lalake, and I was convinced na wala na, then after a while tas nakita ko ang hinayupak nyang fes naramdaman ko ulit yung kilig saka yung panghihinayang na hindi man lang kame nagkafuture.

Enjoy singlehood! Hanapan mo ko lalake ate poks yung galing sa lugar ng mga sausage! hihihihihi

salbehe said...

Sa palagay mo dahil long distance relationship? Mas madaling pakawalan kasi kapag hindi kayo laging magkasama. Hindi mo naman makukurot at mapipisil ang text. ):

p0ks said...

++akoaysalbahe: tenk yu!!!

++Pataki: akala ko din ganon pero nagkita na nga kami last feb nong bumalik ako pero ganon pa din eh..wala na talaga..awa na lang kasi mabait sya! =( parang ang bilis nga...di ko din mapahaba yung kwento kasi sagad na yan,hihihi

++Salbe: palagay ko don nag start..tapos hanggang nawala ng tuluyan bago pa kami nagkita ulit! yun kasi ang nakakainis pag LDR...yung simpleng hawak na nakakawala ng inis pag inis ka eh di mangyayari kasi nga magkalayo tapos ang daming time para lumalim yung inis at pagkawala ng feelings...arte ko lang!!

Anonymous said...

Masarap pa ring magmahal nang wagas at totoo. :)

Anonymous said...

grabe naman kasi pag-anjan ka sa masalimoot na long distance...