Crispy burat

Alam mo yung feeling ng nakakita ka ng burat sa isang tumpok ng dayami??

Ganon na ganon yung feeling ko nong nakita ko sa isang site ng review ng mga resto dito sa Bali na may Pinoy resto dito. Ekelein me yewn??

At sugod agad si putang ako. Padalawa lang ang pagkain sa pagpunta ko don. Inisip ko kasi na kung Pinoy resto yun sure na may mga kababayan don. At kung may kababayan don eh di magkakaroon na ako ng mga kakilalang kababayan dito.


At sa pagpunta ko nga don ko nalaman na bigo ang putang si ako sa mga inakala. Una walang kababayan don sa resto na yun kundi yung GM nila na wala na nong time na kumain ako. Syempre GM yun kaya malamang sobrang sosyal non at sobrang busy na din. Padalawa...apat na putahe lang ang pagkaing pinoy sa menu nila at ang rest eh kung ano anong bansa na.


Alam mo yung feeling na pagkatapos mong maeksayt ng sobra dahil nakakita ka ng burat sa gitna ng mga dayami eh nalaman mo na plastic lang pala ang titing nandon??


Yung feeling na...sige na nga..pwede na!! Pwede ng pagtyagaan!!


Ang apat na menu sa list nila eh Crispy Pata (don kinuha ang name ng resto)..Chicken adobo..Pansit canton..at turon titing binalot sa condom (pritong saging na binalot sa lumpia wrapper)


Pwedeng balikan!! Sabik eh......


Tsuri walang pekpektyur...tinamad ako nong gabi na yun!!!




nawawala si privacy!!!

Mahalaga sa akin ang banyo o kubeta. Dito ko kasi nailalabas ang mga kaartehan ko sa katawan at ang mga emosyong hindi dapat makita ng ibang tao. Feeling ko sanctuary ko ito.


Sa banyo ko ginagawa ang pagbubunot ng damo sa kilay. Sa banyo ko ginagawa ang pagaahit ng bulbol ko sa kilikili. Sa banyo ko ginagawa ang pag gupit sa buhok ko sa pagitan ng aking mga hita.


Opkors sa banyo natin inaalis ang dumi ng maghapon. Sa banyo ako nag aayos ng aking sarili. Nasa banyo ko lahat ng kung ano anong kiriray kit ko ultimo pabango. Dito ako nakakapagpaikot ikot sa salamin na ang tanging suot eh ang kulay brown kung balat.


Sa banyo din syempre nangyayari ang mga emosyon na hindi dapat makita ng ibang tao. Pag nasasarapan ka at pag nahihirapan ka…….sa pagtae. Pagkinikilig ka pag umiihi.


Minsan na din akong nag inarte kay eks Fafarazzi (maisingit lang) at don ako natulog sa banyo namin. Talaga namang masasabi ko na madami akong oras na ginugugol sa kanya kaya mahal at importante sya sa akin.


At higit sa lahat…dito ko din nilalaro si Sarili.


Ito ang lugar na nagiging totoo ako sa sarili ko kasi wala namang ibang makakakita sa mga pinag gagawa ko.


Ngunit papaano kung binigyan ka ng ganitong banyo??!





Ilang beses ng naliligo ako na may tao sa garden ng kabilang bahay...tanong mo pa eh di para akong tanga na nakasuksok sa gilid. Ilang beses na din yung halos naudlot yung tae ko dahil sa dadaan yung gardener nong kabilang bahay sa gilid ng banyo ko. Kaya laging todo prodyek ang itsura ko kahit na kailangang mong umire at baka may nanonood. Hindi ko din mailabas ang kyut na facial ekspresyon pag di lumabas ang tae ko at baka may makakita at mainlab sa itsura ko.


Puta lang....mula nong dumating ako dito sa Bali eh para na lagi akong tanga pag nasa banyo. As in daig ko pa siguro ang nasa bahay ni Koya sa PBB. Aning na aning lang ang drama ko dito.
Di bale..malapit na..ilang linggo na lang at bye putang banyo na ako!!

OA na mall

Noong isang araw na libre ako sa trabaho nong hapon eh naisipan kung pumunta sa mall. Sa totoong buhay pilit kung pinapaniwala ang sarili ko na hindi ako mahilig sa mall. Hindi ako mahilig mag window shopping kasi para sa akin yan ang simula ng pagkati ng kamay ko. May mga nabibili akong gamit na hindi ko kailangan o akala ko eh bagay sa akin dahil sa maganda sa putang manikin...tapos pagsuot ko na yung damit o gamit na nabili ko eh mukha lang jologs. Puta lang db?


Pero wala namang pakialam ang wala kong pagkahilig sa mall sa kwento ko ngayon. Isa na namang kaputahan ang kwento ko sa taas.


Ayun nga..pumunta ako ng mall kasi may balak akong gawin. Ang uminum ng kape at bumili ng silver metallic na kulay ng kyuteks! Gora ang bakla sa pinaka malaking mall daw sa Bali. Perstaym ko!! Puro branded daw ang mga tindahan don at talaga namang pangmayaman ang presyo. Go naman ako kahit hindi mayaman...magkakape nga lang at bibili ng kyuteks db?


Pagdating don...Failed kaagad. Para syang Ever Gotesco lang sa Monumento. Bagong version nga lang ng Ever. Ako na ang galing sa bansang puro mall kaya siguro ganon ang epekto sa akin. Tsuri naman. May mga mamahaling brand nga pero hindi naman yung OA na brand. At marami ding local brand. Tsaka hindi naman pangmayaman yung lugar...Oo maraming foreynger pero hindi naman ibig sabihin non mayayaman yun lahat db? Sa tingin ko iisa lang ang tama sa mga narinig kung sabi sabi about sa mall...mamahalin ang tinda don. As in OA sa pagkamahal.


Unang stop. Isang kapehang pang buong mundo. Puta lang ang presyo ng dalawang kape at dalawang hiwa ng pekpek cake. 20 Dolyars!!!! Sige na pinatos na kasi sabik na ako sa TITI kape nila.


Sunod na stop. Kyuteks. Walang tag kaya nitanong ko sa tindera. Nilabas ang calculator para sa convertion ng pera. 25 Dolyar?????! Puta syempre hindi ko binili. Hindi ko kilala yung tatak ni kyuteks tapos babayaran ko ng ganon? Oo puta ako pero hindi baliw. Ay minsan lang pala baliw!


Palabas na ako nong nadaanan ko ang Birkinstock. Isa pang puta at doble ang presyo.


Hindi na ako nag ikot sa loob. Dumeretso na lang kami nong kasama ko sa likod ng mall kasi dagat na yun....at maganda don ang sunset. Pero isang malaking failed na naman kasi nakipag date yata ang putang araw at wala nong araw na yun. Tinabunan sya ng makapal pa sa bulbol na ulap.

libog sa mga plano

Noong bago kami pumunta dito sa Bali ang dami daming plano ang nabuo sa berde kong isip. Yung mga gagawin ko at pupuntahang lugar. Vietnam..Cambodia..Malaysia..Manood ng pekpek show sa Bangkok..Maging isang city gurl sa Singapura..Maikot buong Bali at kung ano ano pang kaputahan.

Isa sa mga plano ko sa buhay eh makapag backpacking trip sa South East kahit na hindi ko alam kung ano ang saktong lokasyon ng South East. Sensya naman at south at north lang ang tanda ko..baba at taas. Nalilito na ako sa east at west.

Dito sa Bali eh iilang lugar pa lang din ang napupuntahan ko. Pabalik na ako sa Yurop sa isang buwan pero hanggang ngayon eh umaatake pa din yung katamaran kong mag lumandi sa labas. Nakakainis kasi at sarili ko lang ang kasama ko tuwing mag gagala ako. Wala akong kaibigan dito o yung tao na kilala ko na paglalayas din ang peg. At doon nga nagsimula yung lagi na lang na mas gusto ko pa ang laruin si sarili sa loob ng kwarto kesa sa irampa sya sa labas ng bahay. 

Bago sana ako bumalik sa taas ng parte ng mundo eh bigyan nyo po ako ng libog na makapaglayas....ngayon kahit SG lang ok na. Yung tipong makalabas naman ako ng erpurt ng SG hindi yung lagi na lang hanggang loob lang ako ng erpurt nito.

 

palay



“Magtanim ay hindi biro,maghapong nakayuko!!”
(kakasakit ng panganyod)
 

Kung di mo pa alam..lyrics ng isang kantang pinoy yan tungkol sa pagtatanim ng palay. Ang galling lang ng sumulat ng kanta na yan. Inisip ko na malamang eh galing sa pamilya ng magsasaka kasi alam nya ang hirap ng pagtatanim ng pangunahing pagkain hindi lang sa Bayang Sinilangan kundi na din sa mga kalapit bansa nito.
 

Sa tinitirhan ko ngayon eh kaharap lang ng kwarto ko ay palayan. Hindi naman sa ngayon ko lang napahalagahan ang hirap ng mga magsasaka sa kanilang ginagawa kundi ngayon ko lang talaga nasubaybayan ang kanilang mga ginagawa bago makaani ng butil ng palay. At talaga namang sa tingin ko pa lang eh talagang nakakapagod na. Nasa initan ka sa lahat ng oras mo. Kakailanganin ng todong pagpapalabas ng maskel sa bigat ng trabaho. Nakalubog ka sa putik at higit sa lahat pag nagtatanim eh talagang nakayuko na nakakapagod yun ng panganyod. Gawd!!
 

 Nagtataka nga ako kung bakit nakakagawa pa ng bata sa gabi ang mga nagsasaka. Kung ako yun malamang para akong katawan ng saging na itinumba sa higaan tuwing gabi.
 

Kaya kung ikaw eh isang nilalang na nagsasayang ng kanin..magdalawa..tatlo..apat na isip ka. Hindi mo alam ang hirap ng mga taong nagtatanim para sa bigas na ating kinakain.
 

Hindi ko alam kung may makakaimbento ng makina na gagawa ng bigas…pero sana wala. Hindi sa dahil gusto kong may taong maghirap kundi para sa akin eh ang pagtingin sa palayan at sa mga gumagawa doon eh para ka na ding tumitingin sa isang buhay na sining…the beauty and art of planting rice!
 

Naalala ko ang mudra ko nong bubot pa ako at wala pang kamalayan sa sarap ng seks…lagi nyang pinasasaid ultimo isang butil ng kanin sa plato namin kasi daw kahit daw ang isang butil noon eh katumbas ng isang buong katawan ni Fafa Jetut. Ngayon ko lang napag isip ang ibig nyang sabihin.


ninang ako hindi banko

Noong NAGPAANAK ako eh binigyan ko ng sandamakmak na ninong at ninang ang anak ko. Yung tipong inubos ko na lahat ng close friends ko. Yung tipong hindi na ako magkakanak ulit at kinuha ko na sila.

Pero pwamis wala akong ibang motibo don kundi binigyan ko lang sila ng kota (minimun) kung magkano ang tatanggapin ko na regalo nila sa anak ko. May rason ako non...single mama ako kaya kailangan ko ang pera pang gatas nya nong mga panahon na yun kahit na ang totoo eh si mudra ang nagpapagatas sa anak ko.

Pero pagkatapos nong binyagan na yun hindi ko na sila binulabog tuwing pasko para pwersahin silang bigyan ng papasko ang inaanak nila.

Alam ko naman kasi sa kaibuturan ng pekpek ko ang ibig sabihin ng isang ninang/ninong sa binyag. Hindi yun nagtatapos sa pagreregalo tuwing pasko. Hindi yun negosyo!

Ano ang rason ko sa pag kwekwento  ng bagay na ito???


Naiinis ako at kung bakit kailangan sabihan ako ng nanay at tatay ng mga inaanak ko na marami na akong utang sa anak nila. Yung isa pa eh bilhan ko daw ng soccer shoes yung inaanak ko at kailangan na next week. Agad agad??!

Pag ganito pa naman eh lalo akong di nagpaparamdam. Sabi ko don sa isa...prayers ang regalo ko sa inaanak ko..aba at hindi na sumagot sa message ko!!

Lupang basa

Mula nong bumalik ako dito sa Bali eh hindi pa nag dedeyuff si putang ako. Tinatamad ako dahil sa araw araw na lang na ginawa ni Batman eh ulan ng ulan.

Nong isang madaling araw pa eh napraning ako ng sobra. Nagising ako nang madaling araw na sobrang lakas ng ulan at hangin. Naiisip ko na baka katapusan na ng katawang lupa ko. Papaano na lang pag nagka flashflood o tsunami...mailigtas kaya ang kulay lupa kong katawan. Kinang kapraningan yun at biglang nawala ng segundo ang trust (tiwala hindi condom) ko kay Fafa Jetut.

Buti pa ang lupa ngayon dito laging basa samantalang ako eh malapit ng magbitak at hindi nadidiligan.

Pagbalik tanaw

Ang dami dami lang nangyari sa akin nong nagdaang taon.


Kabiguan..kaputahan..mga napuntahang bagong lugar..mga napuntahang dati ng napuntahan..nagkaroon ng bagong lalaki sa buhay..nakapagbakasyon ng dalawang beses sa Bayang Sinilangan..tumira sa bagong lugar..mga nakilalang bagong mukha at bagong kaibigan..mga pagkaing ngayon ko lang natikman..at kung ano ano pang kapokpokan!!


Pero syempre madami pa din ang bilang ng pakikipag seks ko kesa sa mga nangyari kung ano ano kaya nagpapasalamat pa din ako kay Fafa Jetut!!!


Sabi nga...kahit ano pang nangyayari sa buhay natin...wala tayong karapatang mag reklamo...dapat eh MAGPASALAMAT lang lagi at ibinigay sa atin ang mga ganong pagkakataon at pangyayari.


More libog sa taong ito!!! Kampay!!

Salubong!!

Feel ko lang na magbago ulit ng bahay! Feel ko lang na medyo hindi maganda ang dalang libog sa akin nong isa kong bahay....at nagbabalik ako sa Blogspot! Wala namang maapektuhan diba? 

Sana lang eh maraming maraming libog ang dala ng bago kong tirahan ngayon...para naman hindi magbitak ang lupang pangako!

Welkam bak tibak!