Noong NAGPAANAK ako eh binigyan ko ng sandamakmak na ninong at ninang ang anak ko. Yung tipong inubos ko na lahat ng close friends ko. Yung tipong hindi na ako magkakanak ulit at kinuha ko na sila.
Pero pwamis wala akong ibang motibo don kundi binigyan ko lang sila ng kota (minimun) kung magkano ang tatanggapin ko na regalo nila sa anak ko. May rason ako non...single mama ako kaya kailangan ko ang pera pang gatas nya nong mga panahon na yun kahit na ang totoo eh si mudra ang nagpapagatas sa anak ko.
Pero pagkatapos nong binyagan na yun hindi ko na sila binulabog tuwing pasko para pwersahin silang bigyan ng papasko ang inaanak nila.
Alam ko naman kasi sa kaibuturan ng pekpek ko ang ibig sabihin ng isang ninang/ninong sa binyag. Hindi yun nagtatapos sa pagreregalo tuwing pasko. Hindi yun negosyo!
Ano ang rason ko sa pag kwekwento ng bagay na ito???
Naiinis ako at kung bakit kailangan sabihan ako ng nanay at tatay ng mga inaanak ko na marami na akong utang sa anak nila. Yung isa pa eh bilhan ko daw ng soccer shoes yung inaanak ko at kailangan na next week. Agad agad??!
Pag ganito pa naman eh lalo akong di nagpaparamdam. Sabi ko don sa isa...prayers ang regalo ko sa inaanak ko..aba at hindi na sumagot sa message ko!!