May mga pagkakataon na kahit na mahal at gusto mo pa sya eh kailangan mo syang pakawalan. May mga rason. Hindi naman ako magiging padalusdalos sa pagkakataong ito. Matagal kong pinag isipan at tinimbang ang mga rason. Pero iisa ang lumalabas...................kailangan kitang bitawan.
Mahal kita. Naging kasama sa maraming saya at pagkakataon. Marami tayong pinag daanang mga pagsubok na magkasama. Pero dumating yung oras na hindi na kita nakakasama dahil sa nagiging pabigat ka na sa akin. Magaling ka pa din. Dabest ka pa din..pero sabi ko nga may mga rason ang pagdedesisiyon ko ng ganito. Magiging anfeyr sayo kung basta na lang kita iiwan sa isang sulok kasi alam kong marami ka pang magagawa..may asim ka pa kaya masakit man sa pekpek ko eh nagdesisyon akong hanapan ka ng taong mag aalaga sayo.
Alam ko unfeyr ako na basta na lang kita hanapan ng panibagong mamahalin na hindi man lang kita tinatanong kung gusto mo ba? Eh takot ko na lang na sumagot ka?!
Ano ang gagawin ko kung sumagot ang isang DSLR???
5 comments:
Anong ginawa mo Ate? Binenta? Pinamigay? Sa akin na lang. LOL. Kahit magsalita siya, di ako matatakot!
hahaha sagutin mo narin.. hahaha... ate powks akin nalnag handa akong saluhin siya.. hahahaa.. ang dslr.. hahhaa
++Yow...ibebenta ko na at bibili na lang ako ng Canon G12..mas maliit yun at mas dala dalahin,hihihihi
++Kiko....ahahahaha yun lang ang sagot ko!
Ahhh binebenta pala, akala ko itatapon mo lang eh sasaluhin ko. (:
gusto ko rin ng bago, ayaw na gumana ng zoom ng camera ko e. tapos yung camera naman ng anak ko kinain ng aso namin, pero sa totoo lang, kahit basag yung screen at pipi yung zoom, gumagana yung camera. yun na nga lang, hindi mo alam kung sapol yung picture. ginagamit pa rin namin just for fun :-)
Post a Comment