Isang linggo na ako dito sa Milan. At aabutin pa ako dito ng halos dalawang buwan.
Nag rerenew kasi ako ng visa ko para makapag puta sa buong Yuropa. At aabutin ng halos dalawang buwan bago ko matatanggap ang bago kong residence card kaya wala akong choice kundi mag stay dito.
Ayaw ko dito. Nahihirapan ako. Aktuli dapat masaya ako kasi hindi ko naman kasama ang mga yaya slash amo ko ngayon. Marami akong freedom pero hindi yun ang nararamdaman ko.
Umupa ako ng mahihigaan. Mahihigaan kasi talagang bed lang sa halagang 150€ o 10k petut. Common ang banyo. Walo lang naman kami sa isang 1 bedroom apartment.
Isa yan sa buhay Italia..siksikan sa bahay. Puro kababayan ang kasama ko sa bahay pero nilinaw ko sa kanila na walang pakialamanan.
Sa ngayon hindi naman talaga ako bakante. Nag tratrabaho ako sa nanay ng yaya slash amo ko sa umaga hanggang alas dos ng hapon tapos pwede na akong mag puta.
Dito sa Milan hindi mo mamimiss ang Pinas pagdating sa pagkain. Nagkalat dito yan. Pati mga kababayan..nagkalat din kaya naman pati tsismis eh nagkalat din!
Hanggang sa muli kong pag kwekwento ng walang kwenta!!!
1 comment:
oo nga, madami ngang mga kababayan jan sa italya. balita ko, madami ding mga extra families jan if you know what i mean. hehehe...
pangarap kong makapasyal minsan jan sa europa lalong lalo na sa roma. :)
Post a Comment