nawawala si privacy!!!

Mahalaga sa akin ang banyo o kubeta. Dito ko kasi nailalabas ang mga kaartehan ko sa katawan at ang mga emosyong hindi dapat makita ng ibang tao. Feeling ko sanctuary ko ito.


Sa banyo ko ginagawa ang pagbubunot ng damo sa kilay. Sa banyo ko ginagawa ang pagaahit ng bulbol ko sa kilikili. Sa banyo ko ginagawa ang pag gupit sa buhok ko sa pagitan ng aking mga hita.


Opkors sa banyo natin inaalis ang dumi ng maghapon. Sa banyo ako nag aayos ng aking sarili. Nasa banyo ko lahat ng kung ano anong kiriray kit ko ultimo pabango. Dito ako nakakapagpaikot ikot sa salamin na ang tanging suot eh ang kulay brown kung balat.


Sa banyo din syempre nangyayari ang mga emosyon na hindi dapat makita ng ibang tao. Pag nasasarapan ka at pag nahihirapan ka…….sa pagtae. Pagkinikilig ka pag umiihi.


Minsan na din akong nag inarte kay eks Fafarazzi (maisingit lang) at don ako natulog sa banyo namin. Talaga namang masasabi ko na madami akong oras na ginugugol sa kanya kaya mahal at importante sya sa akin.


At higit sa lahat…dito ko din nilalaro si Sarili.


Ito ang lugar na nagiging totoo ako sa sarili ko kasi wala namang ibang makakakita sa mga pinag gagawa ko.


Ngunit papaano kung binigyan ka ng ganitong banyo??!





Ilang beses ng naliligo ako na may tao sa garden ng kabilang bahay...tanong mo pa eh di para akong tanga na nakasuksok sa gilid. Ilang beses na din yung halos naudlot yung tae ko dahil sa dadaan yung gardener nong kabilang bahay sa gilid ng banyo ko. Kaya laging todo prodyek ang itsura ko kahit na kailangang mong umire at baka may nanonood. Hindi ko din mailabas ang kyut na facial ekspresyon pag di lumabas ang tae ko at baka may makakita at mainlab sa itsura ko.


Puta lang....mula nong dumating ako dito sa Bali eh para na lagi akong tanga pag nasa banyo. As in daig ko pa siguro ang nasa bahay ni Koya sa PBB. Aning na aning lang ang drama ko dito.
Di bale..malapit na..ilang linggo na lang at bye putang banyo na ako!!

4 comments:

YOW said...

Banyo niyo yan Ate Powkie? Baka exhibitionist yung may-ari? Hahaha. Gusto laging nakatambad siya. Pambihira! Nahiya pa at nilagyan pa ng halaman yung salamin. Hahaha.

p0ks said...

++Yow...as in banyo ng kwarto ko ngayon!!! sabi ko nga eh at exhibitionist yung may ari nito...ang masama pa nyan Yow eh garden ng kapitbahay yung side na yan...!!!

Anonymous said...

tiyak na tuwang tuwa ang gardener na yun. haha!

Anonymous said...

Ayos, ha! Ang ganda ng kuwentong-banyo mo. At least naka-project ka pa rin. Mahalaga pa rin yun. :)