Noong NAGPAANAK ako eh binigyan ko ng sandamakmak na ninong at ninang ang anak ko. Yung tipong inubos ko na lahat ng close friends ko. Yung tipong hindi na ako magkakanak ulit at kinuha ko na sila.
Pero pwamis wala akong ibang motibo don kundi binigyan ko lang sila ng kota (minimun) kung magkano ang tatanggapin ko na regalo nila sa anak ko. May rason ako non...single mama ako kaya kailangan ko ang pera pang gatas nya nong mga panahon na yun kahit na ang totoo eh si mudra ang nagpapagatas sa anak ko.
Pero pagkatapos nong binyagan na yun hindi ko na sila binulabog tuwing pasko para pwersahin silang bigyan ng papasko ang inaanak nila.
Alam ko naman kasi sa kaibuturan ng pekpek ko ang ibig sabihin ng isang ninang/ninong sa binyag. Hindi yun nagtatapos sa pagreregalo tuwing pasko. Hindi yun negosyo!
Ano ang rason ko sa pag kwekwento ng bagay na ito???
Naiinis ako at kung bakit kailangan sabihan ako ng nanay at tatay ng mga inaanak ko na marami na akong utang sa anak nila. Yung isa pa eh bilhan ko daw ng soccer shoes yung inaanak ko at kailangan na next week. Agad agad??!
Pag ganito pa naman eh lalo akong di nagpaparamdam. Sabi ko don sa isa...prayers ang regalo ko sa inaanak ko..aba at hindi na sumagot sa message ko!!
9 comments:
tama! priceless kaya ang prayers. saka guidance.
tagal na akong lurker ng blog mo. dahil bagong lipat ka, try ko na ring maki-comment. :)
++salbahe: tenks ha!! korek...yun naman talaga ang role ng ninang db? taga gabay,hihihihi kaya pala konti lang kumukuha sa aking maging ninanng kasi alam nila wala akong igagabay,hihihi
u know all along i thot beki ka! tanga lang talaga ko ms poks baguhan kasi ako sa mundong to pero i really like u talaga! i wanna read more blogs from u!
hahahaha punyets!! hahaha ang dami ko ngang ninong at ninang noon eh pero ni isa walang natira hahaha kahit apat or sampu lang basta alam mong sa oras ng kagipitan andyan sila for your kids. kahit bukaka ka ng bukaka pa basta totoong kaibagan ang mga yan go lang!! LOL hahahaha
Hahaha. Kung makademand yung mga kumare/kumpare mo Ate Powkie, parang may patago sila sayo.
Thank God maliligtas ako ng ilang taon sa ganyan. Hahaha.
para kay Blue Margarette, wag mong masyadong sisihin ang sarili mo kasi di ka naman nagkamali ng akala...
bading talaga yang si p0ks, feelingera lang na me anak sya...
sus!
++Blue: hihihihi Bakla talaga ako!!
++Quin: Korek ka dyan!!
++Yow: hay naku masarap umuwi ng pasko pero talaga namang kakaloka ang gastos at sa dami ng papaskuhan,hihihi
++Lyzius: wag kang magulo dude at may nagkakamali pa,hihihi
wow soccer shoes!! sosyal!
hindi pa man ako nag-iinit sa isa mong bahay eh kumipat ka na naman.. pero di bale.. kahit saan ka magpunta, susundan kita... yihee!
kami naman, regalo namin lagi sa mga inaanak namin ay.. pagmamahal haha :) napadaan lang po!
Post a Comment