magic sarap

Ang kwentong ito ay hatid sa inyo ng Mr. Clean...ang sabon ng mga kalbong macho! *parang burat lang..machong kalbo*


Kung ano yung ikinasalimuot ng buhay puso ko kay Fafarazzi ay sya namang sobrang tahimik ng puso ko kay GV. Kasing gulo ng bulbol ko ang puso ko. Eto ang tsismis...

Nong nakilala ko si GV eh yun yung time na sobrang madugo pa ang pekpek puso ko dahil sa pag hihiwalay namin ni Fafarazzi. Hindi naman dahil sa tigang ako nong mga panahon na yun kaya naging kami. Naramdaman ko lang nong time na yun na parang may tibok..sa puso ko hindi sa pekpek. Eh since na hindi naman na ako beergin eh di Go na..bakit pa papakipot db?

Masaya naman kami sa unang buwan..padalawa at hanggang patatlo. Nasasakyan ko pa ang mga luma na nyang joke at kung ano ano pang mga gimik. May kilig to da bones pa. Nong pang apat na buwan na namin eh napadpad nga ang kapalaran ko dito sa kapitbahay ng Lupang Hinirang...ang Bali! At doon na nagsimula ang kung ano anong kapekpekan.

Bigla na lang nawala yung kilig. Wala na ako sa mood na kausapin sya sa phone. Pinag tataguan ko na din sya sa net. Ang lagi ko na lang nirarason eh pagod ako kaya siguro wala sa mood. Nakokornihan na din ako sa mga dyoks na paulit ulit. Sa madaling salita eh nawala ang magic sarap!!!

Pinilit kong ibalik. Ang dami nyang pasensya na ginagawa sa mga sungit mode ko. Binilhan nya ako ng ticket pabalik ng Lugar ng mga supot na sausage nong pasko pero mas pinili kung umuwi sa Lupang Hinirang. Naintindihan nya pa din daw ako. Feeling ko lang pinag tyatyagaan nya lang ako at sa huli nya ako babawian.

Umuwi ako ng Lugar ng mga supot na sausage nong February pero dalawang araw lang ako don eh lumipad na din ako ng Lugar ng mga pizza at pasta at mas piniling doon maglagi. Kung siguro may kilig pa talaga nong time na yun eh sa kanya ako magtitigil kesa sa mabuhay na tigang sa Milan.

Nagkausap kami ng ilang beses. Sinabi ko ang problema. Kami pa din daw at walang magbabago. Ang arte ko lang para ipursige na mag hiwalay na kami. So tyaga!

Sa kabila ng away namin. Sa kabila ng nararamdaman ko na wala ng magic sarap eh aaminin ko nandon pa yung sarap ng seks!

Hanggang sa bumalik ako dito sa kapitbahay ng Lupang Hinirang ganon pa din ang nararamdaman ko..parang awa na lang. Ilang linggo pa lang ako dito sa Bali eh umuwi sya ng Lupang Hinirang. Tatlong linggo na sya don eh nakaka dalawang teks pa lang sya sa akin. Busy lang daw sya kasi. Bayag!!

Hindi ko na din sinagot ang dalawang beses na teks na yun. Ok lang sa akin na wala na kami. Papanindigan ko na lang na hindi na kami nagkakausap.

Sabi nga ng kapatid ko..Baka daw ginawa ko lang syang tulay para makalimutan ko nong time na yun si fafarazzi! Baka nga..hindi ko alam!!

Ang alam ko lang ngayon eh wala na akong nararamdaman kay Fafarazzi ganon din kay GV...pero masaya ako kahit minsan eh bagot!!!

Yun lang..Bow!!!

Balinese tooth filing!!

Balinese na yata ang isa sa may pinaka maraming ritual..ceremony at kung ano anong ekek sa kanilang relihiyon. At yun ang isa sa palagay ko kung bakit dinadayo at interesting ang Bali..dahil sa kanilang kultura at relihiyong Balinese-Hindu.

Hindi ko na iisa isahin. Mahirap mag research. Mag sarili na lang tayo. Kanya kanya ang ibig kung sabihin hindi pagbabate.

May isa akong napuntahang kinaugaliang ritual ng mga Balinese...ito ay ang tooth filing. Himasin mo ito para sa kwento. 8------------->

Pero nong dumating kami eh tapos na ang akwal na ritual. Sori sa akin. Pero naka custume pa yung tinooth filing. Maghapon syang nakaganon dapat. Bongga ang cutume at bongga ang muk-ap. Medyo slight na bongga pa nga daw yung sa kanya dahil sa pag bongga ng muk-ap eh sa pagmahal ng bayad. Yang muk-ap nya na yan at di ka bonggahan na head dress eh nagkakahalaga na ng 120 dolyar!

Eto ang mga pekpektyurs!!