Isang linggo na ako dito sa Milan. At aabutin pa ako dito ng halos dalawang buwan.
Nag rerenew kasi ako ng visa ko para makapag puta sa buong Yuropa. At aabutin ng halos dalawang buwan bago ko matatanggap ang bago kong residence card kaya wala akong choice kundi mag stay dito.
Ayaw ko dito. Nahihirapan ako. Aktuli dapat masaya ako kasi hindi ko naman kasama ang mga yaya slash amo ko ngayon. Marami akong freedom pero hindi yun ang nararamdaman ko.
Umupa ako ng mahihigaan. Mahihigaan kasi talagang bed lang sa halagang 150€ o 10k petut. Common ang banyo. Walo lang naman kami sa isang 1 bedroom apartment.
Isa yan sa buhay Italia..siksikan sa bahay. Puro kababayan ang kasama ko sa bahay pero nilinaw ko sa kanila na walang pakialamanan.
Sa ngayon hindi naman talaga ako bakante. Nag tratrabaho ako sa nanay ng yaya slash amo ko sa umaga hanggang alas dos ng hapon tapos pwede na akong mag puta.
Dito sa Milan hindi mo mamimiss ang Pinas pagdating sa pagkain. Nagkalat dito yan. Pati mga kababayan..nagkalat din kaya naman pati tsismis eh nagkalat din!
Hanggang sa muli kong pag kwekwento ng walang kwenta!!!
kakaibang burtdey!!
Noong nag burtday ako ng 30 years old eh kakaiba ang aking naging selebrasyon!
Kasalukuyan kami noong nasa Switzerlad para sa skiing bakasyon ng aking yaya slash amo....pero nong araw ng aking burtdey eh pauwi na kami non sa Copenhagen.
Umagahan sa Swiss...
Tanghalian sa kalawakan...
At hapunan sa Denmark!
At aakalain ko bang mauulit ulit ang ganong pagkakataon sa ibang panahon at lugar??
Pagkalipas nga limang taon eh natikman ko ulit ang ganong sarap!!
Saktong pumasok ang alas dose ng madaling araw ng aking burtdey eh lumapag kami sa Singapore para sa refuelling galing Bali.
Nag umagahan sa kalawakan...
Nag tanghalian sa Amsterdam...
At nag hapunan sa Hamburg!!
At may isa pa akong naranasan ngayong ika 35 na taon ko....Dahil sa inabutan ako ng burtdey sa time zone ng Asia at tinapos ko ang burtdey sa time zone ng EU eh nag selebreyt ako ng bertdey ng 31 hours!!!!
Pinakamahabang bertdey ko!!! Yibaa!!
At may kasama pang gahasaan nong gabi!!! hihihihi

Subscribe to:
Posts (Atom)