Italiana ang yaya slash amo kong babae. German si yaya slash among lalaki. Kahit na Aleman yung lalaki eh Italian food kami lagi sa bahay. Mas healthy daw kasi kesa sa mga karne at sausage ng Aleman.
So ano pa ang ineexpect mo sa pagkaing Ita kundi pasta at pizza. Sa araw araw na ginawa ni Batman eh may pasta kami. Kundi man sa tanghalian eh hapunan. Iba iba nga lang ang lahok. Pero puta pasta pa din.
Kaya naman pag lumalabas kami ng bahay eh hindi mo na ako mapapa order pa ng pasta. Nakakasuka na!! *sobrang arte mode on*
kinain ko kanina!!
Pero kung hahainan mo ako ng pasta na ganito ang itsura. Kahit mula umagahan pa..kakainin ko yan! Suka ka sa sarap dyan!!!
Nakita ko ito 3 years ago sa isang mall sa Milan,Italy na naka display at for sale.
Siguro meron pa ding bibili nito..yung mga taong walang magawa sa kanilang pera pero ako???? Magkabunutan na ng bulbol pero ipapabunot ko na lang kesa sa bilhin ko itong sasakyan na ito.
Pero sa isang banda eh kahit ubusin ang lahat ng buhok ko sa buong katawan eh wala naman talaga akong ibibili nito.
Ferrari na gawa sa Lego...sa halagang 110,000 €!!!! Gawd...times 55 mo nga at yun ang halaga sa petut!!!