kilig

Sabi ko sa puta kong sarili na hindi ako magkakagusto o makikipag relasyon sa foreynger...NEVER!!!

Ang reason ko eh kasi nga supot sila. Kasi nga mahirap makipag away ng henglis. At isa pang kasi nga mahirap umungol ng henglis.

Eh ano itong ilang araw ko ng naiimagine at naiisip tuwing gabi yung nakilala kong Italian sa isang dinner.

At ang pinaka masakit sa lahat eh wala naman kaming naging pag uusap nong buong dinner na yun dahil sa dami namin sa isang lamesa. At ibig lang sabihin non eh wala ng chance na magkita kami ulit kasi sumabit lang naman ako sa dinner na yun. At isa pa eh wala namang eksenang palitan ng numero o add ekek sa FB para maipagpatuloy ang aking pantasya.

Para lang bumalik yung feeling nong high school ako na naging crush ko yung isang tricycle driver. Crush na crush ko pero hindi nya ako kilala!!

Puta talaga!!
 

DUDAY!!

Natatandaan nyo si Fafarazzi??

Eh yung asawa nya na ginulo ang bulbol ko??!

Aktuli nakalimutan ko na sila!! (ows??!)

Eh papaano kung sayo nangyari ang kwento ng buhay ko na yun at isang araw..bigla bigla na lang na nagparamdam na lang bigla sayo ulit ang asawa ni Fafarazzi para humingi ng SORRY sa mga nasabi nyang masama sa akin dati.

Ahahahahaha! Duday ang pangalan ko ngayon. Aba malay ko ba sa drama nya at bakit sya hihingi ng sowee sa akin?!