Noong bago kami pumunta dito sa Bali ang dami daming plano ang nabuo sa berde kong isip. Yung mga gagawin ko at pupuntahang lugar. Vietnam..Cambodia..Malaysia..Manood ng pekpek show sa Bangkok..Maging isang city gurl sa Singapura..Maikot buong Bali at kung ano ano pang kaputahan.
Isa sa mga plano ko sa buhay eh makapag backpacking trip sa South East kahit na hindi ko alam kung ano ang saktong lokasyon ng South East. Sensya naman at south at north lang ang tanda ko..baba at taas. Nalilito na ako sa east at west.
Dito sa Bali eh iilang lugar pa lang din ang napupuntahan ko. Pabalik na ako sa Yurop sa isang buwan pero hanggang ngayon eh umaatake pa din yung katamaran kong mag lumandi sa labas. Nakakainis kasi at sarili ko lang ang kasama ko tuwing mag gagala ako. Wala akong kaibigan dito o yung tao na kilala ko na paglalayas din ang peg. At doon nga nagsimula yung lagi na lang na mas gusto ko pa ang laruin si sarili sa loob ng kwarto kesa sa irampa sya sa labas ng bahay.
Bago sana ako bumalik sa taas ng parte ng mundo eh bigyan nyo po ako ng libog na makapaglayas....ngayon kahit SG lang ok na. Yung tipong makalabas naman ako ng erpurt ng SG hindi yung lagi na lang hanggang loob lang ako ng erpurt nito.
palay
“Magtanim ay hindi biro,maghapong nakayuko!!”
(kakasakit ng panganyod)
Kung di mo pa alam..lyrics ng isang kantang pinoy yan tungkol sa pagtatanim ng palay. Ang galling lang ng sumulat ng kanta na yan. Inisip ko na malamang eh galing sa pamilya ng magsasaka kasi alam nya ang hirap ng pagtatanim ng pangunahing pagkain hindi lang sa Bayang Sinilangan kundi na din sa mga kalapit bansa nito.
Sa tinitirhan ko ngayon eh kaharap lang ng kwarto ko ay palayan. Hindi naman sa ngayon ko lang napahalagahan ang hirap ng mga magsasaka sa kanilang ginagawa kundi ngayon ko lang talaga nasubaybayan ang kanilang mga ginagawa bago makaani ng butil ng palay. At talaga namang sa tingin ko pa lang eh talagang nakakapagod na. Nasa initan ka sa lahat ng oras mo. Kakailanganin ng todong pagpapalabas ng maskel sa bigat ng trabaho. Nakalubog ka sa putik at higit sa lahat pag nagtatanim eh talagang nakayuko na nakakapagod yun ng panganyod. Gawd!!
Nagtataka nga ako kung bakit nakakagawa pa ng bata sa gabi ang mga nagsasaka. Kung ako yun malamang para akong katawan ng saging na itinumba sa higaan tuwing gabi.
Kaya kung ikaw eh isang nilalang na nagsasayang ng kanin..magdalawa..tatlo..apat na isip ka. Hindi mo alam ang hirap ng mga taong nagtatanim para sa bigas na ating kinakain.
Hindi ko alam kung may makakaimbento ng makina na gagawa ng bigas…pero sana wala. Hindi sa dahil gusto kong may taong maghirap kundi para sa akin eh ang pagtingin sa palayan at sa mga gumagawa doon eh para ka na ding tumitingin sa isang buhay na sining…the beauty and art of planting rice!
Naalala ko ang mudra ko nong bubot pa ako at wala pang kamalayan sa sarap ng seks…lagi nyang pinasasaid ultimo isang butil ng kanin sa plato namin kasi daw kahit daw ang isang butil noon eh katumbas ng isang buong katawan ni Fafa Jetut. Ngayon ko lang napag isip ang ibig nyang sabihin.
Subscribe to:
Posts (Atom)
