itchy foot!

Confirmed na!


Hindi yung confirmed na bakla ako. Hindi din yung confirmed na may libog ako. Hindi din yung confirmed na may topak talaga ako minsan. Kundi….


Confirmed na ang ticket ko pabalik ng lugar ng mga supot na sausage. Aalis ako dito sa kapitbahay ng lupang hinirang sa 18 ng Feb at ang ibig sabihin non eh sasalubungin ko at magbuburtdey ako sa kalawakan.


Confirmed na din ang ticket ko mula lugar ng mga supot na sausage punta ng lugar ng mga pasta at pizza sa 21 ng Feb. At ibig ding sabihin non eh makikipag seks lang ako ng dalawang gabi sa lugar ng mga supot na sausage at rarampa na sa lugar ng mga pasta at pizza.


At ang pinaka masarap dyan eh mag isa lang ako babyahe! Walang asungot na mga litol supot. Moment ko to!!


Yehes!! Kandirit kandirit mode ON!

Intsik

Nasa isang limang star na resort kami kanina kasama ko ang aking yaya slash amo at ang mga litol supot para mag lunch sa kanilang resto na may pool sa gilid.

Pagkatapos naming kumain eh naligo ang mga litol supot sa pool. Syempre ako eh pahila hilata ang katawang kulay lupa sa mga pahingahan sa gilid ng pool habang ang mga mata eh busy sa pagbabantay.

May dumaan na mag jowa. Narinig ko si boylet naghahanap ng sigarilyo at sumagot naman ang babaitang kasama...sa parehong salitang tagalog!

Kung sa ibang pagkakataon siguro eh baka nakipag kilala na ako at nakipag kwentuhan sa kanila. Sabik ako sa kababayan dito db?

Pero hindi kanina...dahil sa aliping sagigilid ang drama ko kanina at ang sososyal ng aura nila. Kanina ko pinasalamatan na may pagmumukhang lokal ako. Ako na ang insekyur!