Nasa isang limang star na resort kami kanina kasama ko ang aking yaya slash amo at ang mga litol supot para mag lunch sa kanilang resto na may pool sa gilid.
Pagkatapos naming kumain eh naligo ang mga litol supot sa pool. Syempre ako eh pahila hilata ang katawang kulay lupa sa mga pahingahan sa gilid ng pool habang ang mga mata eh busy sa pagbabantay.
May dumaan na mag jowa. Narinig ko si boylet naghahanap ng sigarilyo at sumagot naman ang babaitang kasama...sa parehong salitang tagalog!
Kung sa ibang pagkakataon siguro eh baka nakipag kilala na ako at nakipag kwentuhan sa kanila. Sabik ako sa kababayan dito db?
Pero hindi kanina...dahil sa aliping sagigilid ang drama ko kanina at ang sososyal ng aura nila. Kanina ko pinasalamatan na may pagmumukhang lokal ako. Ako na ang insekyur!