Lupang basa

Mula nong bumalik ako dito sa Bali eh hindi pa nag dedeyuff si putang ako. Tinatamad ako dahil sa araw araw na lang na ginawa ni Batman eh ulan ng ulan.

Nong isang madaling araw pa eh napraning ako ng sobra. Nagising ako nang madaling araw na sobrang lakas ng ulan at hangin. Naiisip ko na baka katapusan na ng katawang lupa ko. Papaano na lang pag nagka flashflood o tsunami...mailigtas kaya ang kulay lupa kong katawan. Kinang kapraningan yun at biglang nawala ng segundo ang trust (tiwala hindi condom) ko kay Fafa Jetut.

Buti pa ang lupa ngayon dito laging basa samantalang ako eh malapit ng magbitak at hindi nadidiligan.

Pagbalik tanaw

Ang dami dami lang nangyari sa akin nong nagdaang taon.


Kabiguan..kaputahan..mga napuntahang bagong lugar..mga napuntahang dati ng napuntahan..nagkaroon ng bagong lalaki sa buhay..nakapagbakasyon ng dalawang beses sa Bayang Sinilangan..tumira sa bagong lugar..mga nakilalang bagong mukha at bagong kaibigan..mga pagkaing ngayon ko lang natikman..at kung ano ano pang kapokpokan!!


Pero syempre madami pa din ang bilang ng pakikipag seks ko kesa sa mga nangyari kung ano ano kaya nagpapasalamat pa din ako kay Fafa Jetut!!!


Sabi nga...kahit ano pang nangyayari sa buhay natin...wala tayong karapatang mag reklamo...dapat eh MAGPASALAMAT lang lagi at ibinigay sa atin ang mga ganong pagkakataon at pangyayari.


More libog sa taong ito!!! Kampay!!